Tulungan mo akong maging tapat Sayo
Di padadala sa alok ng mundo
Di ko hahayaang mabaling itong puso
Sa kahit saan o kahit kanino
O Hesus Ika’y sa akin at ako’y Sayo
Koro
Ako’y maghihintay
Aasa sa kaligtasan Mong bigay
Panginoong Hesus, dalangin ko
Masumpungang tapat Sayo
Kahit tila kaytagal
Ako Sayo’y magmamahal
Ako’y maghihintay
Hahanap-hanapin ka sa bawat umaga
Pagsapit ng gabi Ikaw ang pag-asa
Sa bawat pagsubok Ikaw ang kagalakan
May ngiti, di mag-aalinlangan
O Hesus Ikaw ang buhay,
Daan, katotohanan
Bridge
Sa piling Mo ay kaytamis
Kaibig-ibig ang Iyong tinig
Ang ‘yong mga mata sa aki’y nakatitig
Sa yakap Mo, ako’y nananabik
Words & Music by: Ptra. Wawie Orajay, Eunice Valdivia
credits
from Blessed Hope,
released August 24, 2014
Words & Music by: Ptra. Wawie Orajay/ Eunice Valdivia
Arranged by: Divino Rivera
Vocals: Eunice Valdivia
Backing vocals: Anne Jacoba