Salamat Hesus ako’y inibig mo
Pinawi ang lahat ng sala ko
Doon sa kalbaryo
Hubugin mo ako
Upang makapaglingkod sa ngalan Mo
Ayon sa nais Mo
Punuin Mo ng lakas at kapangyarihan
Ang buhay ko ng ‘yong Espiritu
Sa habang panahon
Aawit Sa’yo at sasamba
O Hesus mahal kita
Chorus
Kahanga-hanga Ka
Pangalan mo’y kublihan ko’t
pastol ng sandaigdigan
Diyos ka ng kabanalan
Dakila at makapangyarihan
Panginoon aking ihahayag
Kabutihan at ang pag-ibig Mo
Sa buong mundo
Pagkat wala ng ibang Diyos
Na tapat at totoo maliban Sa’yo
Sa lahat ng panahon
Nangako Kang ikaw ay naroon
At di magbabago
Bridge
Lahat ay luluhod sa ngalan mo Hesus
Lahat ay magsasabing Ikaw lamang ang Diyos
Lahat ay para sa kaluwalhatian Mo
Ang paghahari Mo’y magpakailanman
Kahanga-hanga Ka
Words & Music by: Ptra. Wawie Orajay
credits
from Blessed Hope,
released August 24, 2014
Words & Music by: Ptra. Wawie Orajay
Arranged by: Ptr. Dennis Medrano
Vocals : Anne Jacoba, Christopher Laban, Kristine Delizo, Dave Perreras