We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.
/
  • Streaming + Download

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.
    Purchasable with gift card

      $1 USD  or more

     

lyrics

Kahit na may sala ka ngunit pinatawad ka
Dahil nga mahal ka Niya,
kahit na puro mali ang nagawa/
Di mo man naibigay ngunit ikaw ay napatawad
At ninanais mong lumapit
tinatanung kung bakit
para bang hindi mo na makakayanan
ang mga nararanasan mo na
mga pagkapait sobrang sakit at nahihirapan/
Walang hangganan mga suliranin
na iyong nararanasan pa/
Ama salamat talaga ako ay nakalaya na
kasi hindi ko po kayang harapin lahat ito na mag-isa/
Kung pwede lang ibalik Mo
ang mga oras na nakaraan
di ko na muli sasayangin ang pagkakataon
na muli kang makapiling na/

Salamat po aking Ama
Ngayon sa buhay kung ito
Di ko na sasayangin pa
lahat ng pag papala mo
Namimiss kita sa araw-araw
Nasasabik sa yakap Mo
Buong buhay ko’y ibibigay
upang hindi na malayo

Ang hirap ng aking pinagdaanan
nung bata pa ako laman na ng aking isipan/
Mula nung isinilang hanggang mag binata
problema’y patung -patong na
hindi ko pa nahalata
ang pagkabigo sa mga pangarap nadawit sa barkada/
Gabi-gabi na lang akung gigil sa ibang tropa
sa gilid ng kalsada akoy nakaabang/
Kung bat ako naparoon yun ay hindi ko din alam/
Dahil galit ako sa buhay ko kaya ba ganito/
Mas pipiliing sumuway at makisali sa gulo/
Sadya nga bang ganito nalang ang aking kapalaran/
Ako’y naparusahan at napasok sa kulungan/
Akin napag-isipan ang mga nagawa
kung bat ako nahihirapan ako din ang may gawa/
Sa aking pag kakahimlay ako ay napatulala/
Nananalangin sa taas na bigyan pa ng himala

Salamat po sa biyaya
pagkat dito ay naiba
ugali ko at di ko na sana maalala pa/
Anu ba ang magagawa para tuluyang mawala/
Upang hindi na lumala
wala din kasing napala
kung babalikbalikan ko
at minamasdan ko ang nagawa ko puso mo/
Diba’y sinasaktan ko lang/
Pero ngayon ay naiba pagkat sya ay kasama na
ang Panginoon na sakin ay nag papadama
ng pagmamahal at kaligtasan sa bawat isa/
Di na ako mawawala sa piling Mo aking Diyos Ama/
Sa may problema halinat tayo’y sama-sama na/
Wag mong alalahanin pa
pagkat kanyang napatawad na/
Kaya wag mo isipin ang nakaraan
at halina tayo ay mag lingkod/
Dahil Diyos natin ay buhay sa’tin ay di lang Siya nanonood/
Bagkus ikaw ay pinapalaya sa mga problema mong daladala/
Lumapit ka lamang sa Panginoon
kailanman hindi Siya nagpapabaya


Words & Music by: Omar Cabarles

credits

from Blessed Hope, released August 24, 2014
Words & Music by: Omar Cabarles
Arranged by: Divino Rivera
Vocals : Omar Cabarles
Backing Vocals: Christopher Laban, Jerome Batara

license

all rights reserved

tags

about

Jesus Reigns Ministries Baguio Baguio, Philippines

contact / help

Contact Jesus Reigns Ministries Baguio

Streaming and
Download help

Report this track or account

If you like Jesus Reigns Ministries Baguio, you may also like: